
Hanggang si Juan ay naging ako. Mas maganda sigurong tawaging ako si Juana, ang babaeng minsa'y naghintay ng bayabas na bumagsak sa kanyang bibig. Noon, naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay darating sa iyo kapag ginusto mo lang. Ngayon, alam ko na, na kailangan ko kumilos, magising at magbanat ng buto. Hindi ko pala namalayan, na ang bayabas na minsan kong inasam, unti-unti ng kinain ng mga uod, hanggang sa ito'y naubos at ang iba'y nabulok.
Ngayon, ayoko na maghintay sa pagbagsak ng bayabas. Hihintayin ko na lang na dumating ang alimango na aking pinatakbo mula sa palengke. Sigurado, pag dating nito, makakain na ako. :))))